...

...
..

Tuesday, May 1, 2018

Entry #7 Buwan


Ngayong araw ay sobrang liwanag ng buwan
Iniilawan nito ang madilim na kalangitan
Nakakabighani ang kagandahan nitong taglay
Ang sarap na dito ay tumunghay

Ikaw, ikaw na sa aki'y inilaan.
Ikaw rin ba ay nakatanaw?
Ikaw rin ba ay maraming katanungan?
Ngunit kagaya ko'y nagtitiwala pa rin sa kanya na may lalang.

Kagaya ng buwan at mga tala,
Darating din ang araw na sabay tayong magbibigay liwanag at hiwaga
Darating din ang araw na tayo'y pagtatagpuin ng may katha
Sa araw na siguradong tayo na ay handa

Kaya ngayon kung saan ka man,
Sabay nawa nating natitignan ang buwan
At sabay na nagdarasal na tayo'y magtagpo,
Magtagpo pag ikaw at ako ay ganap ng handa at kumpleto.