...

...
..

Thursday, March 29, 2018

Entry#6 Mga Kataga

Minsan naiisip ko, saan nga ba to patungo?

May patutunguhan ba ito? O sadyang pinipilit ko lang ang mga ideya sa utak ko.

Minsan napapatanong ako sa hangin, saan nga ba tayo nito dadalhin?

Ikaw ba at ako ay para sa isa't isa? O nililinlang lang tayo ng tadhana?

O baka naman sadyang may plano Siya, baka ikaw at ako ay itinadhana para magkakilala, hindi para maging isa kundi para manatiling mga alaala para sa isa't isa,

Nagkakilala para may gampanan, nagkakilala upang may matutunan.